Thursday, 20 October 2016

Tipid Tips: Halloween Costume

I went around to look for a costume for the baby. She has a Halloween party in Kindermusik. Everything costume I saw costs 700-up.  I just couldn't bring myself to spend on something she will wear only once. Buti sana if good quality ang tela ng costume pero hindi e! Wear once and throw away talaga and hitsura.

So, I went to Toy Kingdom and bought a princess hairpiece for 150 php and a pink dress in SM. Nice naman di ba? Atleast she can still wear the dress after Halloween.



I also got the nanny's son something to wear for his first Halloween.  Mura lang naman. 150 for this Iron Man Mask and 200 for the Iron Man T-shirt.  


The nanny was so happy.  

Naisip ko, imagine mo nalang ano feeling mo na mag asikaso ng costume ng ibang bata samantalang walang  costume ang anak mo.

I mailed the costume plus some treats. The parcel should arrive in Negros next week. And since walang trick or treat dun...bongga ang anak nya...naka Iron Man Sa cementerio.


Oh sya. Baboosh!

L

7 comments:

  1. Hello Ms. L. Sobrang hanga ako sayo kasi yung treatment sa nanny ni Baby G parang hindi na siya iba sayo. Honestly, naiyak nga ako sa sinulat mo before tungkol sa nanny na here she is manila, nag aalaga sa baby ng iba, then meron din pala siyang baby na months old pa lang din. How selfless talaga ang mga nanay. Siguro kaya nanny ang tawag kasi palitan mo lang ng letter A yung isang N (nanNy), equals to nanay. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo, Ung yaya she shares pa the little she has ha. Minsan offer sya libre Nya ako milk tea. I appreciate and I reciprocate Sa mga Ganitong little acts of kindness.
      Hirap maging nanay. Lahat nalang sacrifice mo para sa anak mo. Relate na relate ako.

      Delete
    2. Ang bait mo Ms. L. Hindi lahat ng employer katulad mo. Nabasa ko na rin yung post mo na pic ng baby ng nanny. Bagay sa kanya yung shirt. Ok lang medyo maluwag kasi madali lang naman ang paglaki ng mga baby. Notice mo yung hair ng baby. Ganun talaga Ms. L ang ayos ng mga hair ng mga baby lalo na kapag hindi pa nag 1yr (kung tama akong wala pa siya 1yr old). Sabi kasi ng mga "ninuno" :D wag daw muna pagupitan ang baby kapag hindi pa nag 1yr. Naisip ko lang kung gano ang sacrifices ng nanny niyo. Sa akin, hindi ko talaga kaya malayo sa mga anak ko. Alam mo everyday ko chinechek ang blog mo. Masaya akong nagsusulat ka na ulit :)

      Delete
    3. Ahhh ganun ba. I'll remember not to cut the baby's hair. Thanks Sa tip ha

      Delete
    4. Yes Ms. L, ganyan din ginawa ko sa mga anak ko. And then yung first time ko sila pinagupitan, tinago ko yung hair. Yung anak kong lalake katulad dati ng baby ng nanny niyo. Ang tawag namin "puno tail" instead of pony tail. :D

      Delete
  2. Yaaaay! Happy to read your updates again! Nagkikindermusik na si baby G? Or paparty lang? Hehe ang cute!!! Nanny is blessed to have you as her employer. I hope she has also been a blessing to your family by helping you with the little one :) Take care always!

    ReplyDelete
    Replies
    1. She attends the classes with her dad. It's my day off. Grabe Hindi ko rin napansin na ang Tagal ko na rin Hindi nag sulat.

      Delete